Ang Hagupit ng Tunay na Mukha ng Rehimeng Aquino

artikulo ni Simoun Fernandez
dibuho ni Lans Tolda

Matuwid na daan saan nga ba talaga hahantong?

Sa nakaraang tatlong taon ng pagkakaupo ni Benigno “Noynoy” Aquino III bilang presidente ng Pilipinas, nanatiling naghihintay ang mamamayang Pilipino sa pag-ahon nito sa lugmok na kalagayan ng bansa. Sa mga tampok nitong polisiya kagaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, conditional cash transfer, Public Private Partnership at ang paglago umano ng ekonomiya, ang nakararaming mamamayan ay nakaasang maambunan ng biyaya.

front drawing copy coloredKung tutuusin maaaring sabihin na ang tatlong taon ay maiksing panahon, ngunit sa nanatiling busabos na kalagayan ng karamihan sa ating bansa, ang inaasahang kahit mumunting pag-unlad, kahit kalahati sa inaasahan ay hindi natatamasa. Ang matuwid nitong daan ay pawang sa ibang landas patungo, lalo nang mabunyag ang mga anomalyang kinasasangkutan ng mga kongresista at senador ukol sa Pork Barrel.

Sa lalawigan ng Quezon, tiyak na ramdam ng mga mamamayan kung ano ang tunay na adyenda ng administrasyong PNoy, lalo nang tambakan ito ng humigit-kumulang sa walong batalyong sundalo dulot ng Oplan Bayanihan noong nakarang taon kasabay pa ng sigalot sa mga asyenda at pananatiling walang sariling mga lupa ang mga magsasaka rito.

Sabwatang Alcala-Akbayan sa Quezon-galamay ni Aquino? 

Eleksyong 2013, buwan ng Mayo, bumaha ng mga pabida ang mga lokal na kandidato sa lalawigan at sa nasyunal sa mga tumatakbo bilang mga senador. Hinding-hindi pinalampas ng administrasyong Aquino ang panahon upang sagpangin ang pagkakataong maaaring magamit ang pondo at plataporma de gubyerno nito upang ang malaking bilang ng boto sa lalawigan ay makamit.

Isang halimbawa nito ang mismong kalihim ng Department of Agriculture na si Proceso Alcala kasama ang nangangampanyang partylist na Akbayan, na namigay ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Tila isang malaking palabas na sadyang itinaong sa panahon ng kampanya ilarga, mabilis nitong maaakit ang mga magsasaka at mamamayan upang sila ang suportahan dahil sa esensya, aakalain ng isang magsasaka na mayroon na siyang sariling lupa, ngunit ang ‘award’ na ito na inaasahang mag-aahon sa kanya sa kahirapan ay pawang kapirasong papel lamang na babayaran pa. Matinding kaltas din ang epekto sa kanilang kalagayan. Sa halip na paalwanin nito ang kasalukuyang katayuan ng isang magsasaka, maaaring maging dagdag isipin at bayarin pa ito sa kanila.

Ang Coco Levy Funds na matagal na ipinagkakait sa mga magninigyog, umano’y kinatas rin lalo ng Akbayan at ng angkan ng mga Alcala. Hindi na rin siguro magtataka ang mga magniniyog ng Quezon kung nagamit ng mga kandidatong ito sa pangangampanya ang pondo dahil sa pagiging dikit nila mismo sa presidente, bilang mga galamay nito tiyak na mabilis silang mapapaboran. Sa huwad na comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reform (CARPER) at pamimigay ng lupa sa pamamagitan ng CLOA, ang karaniwang magsasaka sa Quezon ay lubusang nabibiktima.

Oplan Bayanihan at matinding militarisasyon

Bago magtapos ang taong 2012, hinding-hindi makakalimutan ng mga mamamayan ng Quezon ang tindi ng pinsalang idininulot nito, ang pagtambak ng humigit-kumulang na walong batalyon ng AFP, PNP, CAFGU, PPMG at iba pang paramilitaries, partikular sa South Quezon – Bondoc Peninsula, ang Bondoc Peninsula na pawang naging ‘Bundok Pininsala’.

Lumobo ang mga naitalang paglabag sa karapatang pantao, simula taong 2010 hanggang ngayon, hindi pa rin naililitaw ang kauna-unahang desiparasido sa panahon ni Aquino na si Felix Balaston. Ngayong taong 2013, lalong tumindi ang mga paglabag. Ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso; threat, intimidation, divesment of properties, indiscriminate firing ang ilan sa mga nararanasan ng mga mamamayan.

Ang mga kasong ito ay bukod pa sa paggamit ng mga malalaking panginoong maylupa sa Armed Forces of the Philippines mismo upang ang mga magsasaka ay mapigilang igiit ang kanilang mga karapatan. Bilang ‘hacienda belt’ ng Quezon, hindi malabong talamak ang mga pagsasamantala sa Bondoc Peninsula kaya ganun na lang ang desperasyon ng administrasyong Aquino upang gumamit ng dahas para patahimikin ang mga mamamayan.

Ang tunay na boss ni Aquino

Hindi na nakakapagtaka, lumabas ang tunay na mukha ng nagpapanggap na tagapaglingkod ng bansa. Dahil sa mga anomalyang ito, partikular na ramdam ng mga mamamayan ng Quezon kung sino ang boss ni Aquino na mga kagaya nyang haciendero. Ngunit hindi titigil ang mga Pilipino lalo na ang mga Quezonian upang igiit ang mga batayan nilang karapatan para sa maayos na pamumuhay at mapayapang pamayanan. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s