Maligalig na Kamusmusan: Ilang Tala sa Likod ng Awit at Guhit ng Sapilitang Paglikas

artikulo ni Michael Alegre
kontribusyong dibuho ni Jayven Villamater
kontribusyong larawan ng Southern Tagalog Exposure (dibuho ng mga Bakwet)

Nagsimulang umawit ang bata sa bidyo: “O, Bakwet, kami po ay bakwet / Mula sa probinsya, pilit na umalis…” Bahagi ng “Rights 1” ang nasabing bidyo na likha ng Southern Tagalog Exposure (STEx), kolektibo ng mga manggagawang pangkultura, aktibista, artista, at alagad ng midya na nakabase sa Timog Katagalugan. Mabilis na kukunot ang noo at ilang segundong hihinto ang mundo ng mga nanonood ng bidyo dahil sa isang salitang tila estranghero sa kanila. Ilang sandali pa’y bigla silang matatawa ngunit mabilis ding matatahimik at mapapaisip nang maintindihan na nila ang ibig sabihin ng salitang inutita o inulit-ulit sa liriko ng awit: Bakwet.

1016997_649521708406405_1332345319_ned

Bakit bakwet?

Hango ang salitang “bakwet” sa salitang evacuation na popular na tumutungkol sa mga taong lumilikas mula sa kanilang lugar-panirahan. Tinatawag itong evacuees kung ilan sa mga dahilan ng pag-alis sa isang lugar ay dulot ng kalamidad, sunog, tagtuyot o tag-gutom. Samantala, tinatawag namang refugees ang mga taong ito kung ang dahilan naman ay ang maituturing na pinakamabigat na sa lahat ng sanhi ng sapilitang paglikas: ang kasalukuyang nagaganap na armadong labanan at matinding militarisasyon sa kanayunan man o kalunsuran.

No’ng umaga ng ika-31 ng Mayo 2013, isa ang pamilya Arevalo sa mga nabulabog na inosenteng sibilyan bago naganap ang engkwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA). Napilitan silang lisanin ang kanilang bahay sa Sitio Pange, Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan, Quezon nang gulantangin sila ng mga putok ng baril mula sa tropa ng mga militar ng 74th Infantry Batallion.

Kahulugan ng mga iginuhit

Sa isinagawang psychological therapy sa mga batang bakwet na bahagi ng ginanap na International Solidarity Mission (ISM) noong ika-14 hanggang ika-17 ng Hulyo ngayong taon sa bayan ng Catanauan, naging tampok ang pagguhit upang maibsan ang sikolohikal na trauma ng mga batang nakaranas ng matinding militarisasyon.

Damit ang1044760_494065533997493_524221585_n iginuhit ni Ervil, labing-anim na taong gulang at pangalawa sa panganay sa magkakapatid na Arevalo. Tinutulungan n’ya noon sa koprahan malapit sa kanilang bahay ang kanyang amang si Ernesto Arevalo nang maganap ang pamamaril. Ayon kay Mang Ernesto, muntik nang tamaan ng bala si Ervil habang nagtatago sa isang malapit na puno. Tandang-tanda pa ni Ervil kung pa’no sila bumalik, dalawang araw matapos ang insidente, sa kanilang bahay upang kumuha lamang ng mga damit at gamit bago tuluyan ding umalis. Ayon pa sa kanya, natatakot siya sa mga sundalo at sa kanilang mga baril.

Upuan naman ang iginuhit ng labing-apat na taong gulang na si Ervin Arevalo, pangatlo sa kanilang magkakapatid. Bago naganap ang insidente, nakaupo s’ya sa kanilang mahabang upuan habang nag-aantay sa nilulutong saging ng kanyang kapatid na si Ervie.

Si Ervie, labintatlong taong gulang at pang-apat sa magkakapatid na Arevalo, ay tsinelas naman ang iginuhit. Nagluluto s’ya ng saging sa kanilang maliit na kusina nang maganap ang nasabing insidente. Ayon sa kanya, bigla na lang umanong dumating ang mga sundalo sa kanilang bahay, kinausap ang kanyang nanay at tatay bago tuluyang umalis. Ilang sandali pa, nakarinig sila ng 1011164_494066147330765_1294179989_nmga putok ng baril kung kaya takot na takot silang tumalilis ng takbo sa iba’t ibang direksyon upang makalayo agad sa kanilang bahay. Matapos ang gapang-takbong paglayo, saka na lamang niya napansin na wala na s’yang suot na sapin sa paa. Dalawang araw ang nakalipas nang mabalikan nila ang kanilang bahay at habang nasa daan, nakita na lamang n’ya ang kanyang tsinelas na kababakasan na nang pagkasira.

Ang pinsan nilang si Jay Lacsa, sampung taong gulang at hindi nag-aaral dulot ng kahirapan, ay gumuhit naman kwaderno. Pansamantala siyang nakatira sa bahay ng mga Arevalo nang mangyari ang putukan. Dahil sa nasabing insidente, nalulungkot s’yang hindi na rin makapagpapatuloy sa pag-aaral ang kanyang mga pinsan dulot ng pagba-bakwet ng mga ito.

Totoong dahilan at sinapit

Buwan pa ng Marso ng nakaraang taon nang pumutok ang balita sa pagdagsa ng walong batalyon ng AFP, PMG, PNP, CAFGU at paramilitaries sa lalawigan ng Quezon. Hanggang sa kasalukuyan, tinatayang bata-batalyong sundalo pa rin ang naka-deploy. Ang nasabing deployment na itinuturing na hindi-mapaparisan-sa-dami na bilang ng mga sundalo buhat pa no’ng Batas Militar, dahil halos katumbas ito ng 4000 katao, ay bunsod ng kontra-insurhensyang programang Oplan Bayanihan (OpBay) ng rehimen ni Noynoy Aquino.

Binabantayan lamang umano ng mga sundalo ang mga residente laban sa mga NPA ngunit kung pagbabatayan at pag-aaralang maigi ang yamang agrikutural at mineral mayro’n ang lalawigan ng Quezon partikular na sa may bandang Bondoc Peninsula (BondocPen) na may lupang sakahang umaabot ang sukat sa 16,748 ektarya at sinasabing pagmamay-ari lamang umano ng walong pamilya, tila lumalabas ang totoong dahilan ng OpBay sa Bondoc Peninsula. Makikita kasi ang nagbabanggaang-interes sa pagitan ng kakaunting nagmamay-ari ng lupa at ang malaking 1011927_494065393997507_937856155_nbahagdan ng populasyon ng mga magbubukid sa Quezon na tinatayang 78% ng kabuuan nitong populasyon.

Idagdag pa ang mga inilulunsad na proyekto ng gobyerno at pribadong kumpanya sa lalawigan sa ilalim ng “sabwatang” PPT o Private-Public Partnership na tila piping pinipigilan ng karamihan sa mga taga-Quezon dahil marahil sa takot. Nagdudulot kasi ang karamihan sa mga ito ng banta sa kalusugan at malimit na humahantong sa sapilitang paglikas o pag-bakwet ng mga mamamayan kapalit ng pagsasakatuparan ng mga ito. Higit sa lahat, pinakamalala na marahil ang usapin sa seguridad ng mga mamamayan kung saan hindi maikakailang biktima rin ang mga bata ng nagaganap na malawakang paglabag sa karapatang pantao sa lalawigan.

Bulnerableng sektor ng mga paslit

Sa pananaliksik na isinagawa ng Akap Bata Partylist (ABPL), lumalabas na mahigit apatnapung porsyento (40%) ng populasyon o apat sa bawat sampung Pilipino ay binubuo ng mga bata. Ang “Bata” ay binibigyang-kahulugan ng United Nations (UN) bilang isang salitang tumutukoy sa kahit na sinong tao na may edad 17 taon pababa. Sa ganitong estadistika, maaaring sabihin na ang kalagayan ng mga bata ay sumasalamin din, kung ‘di man ay signipikanteng nagpapakita sa kalagayan ng kalakhan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Limitado lamang, ayon pa sa ABPL, ang kaalaman at pisikal na kakayahan ng mga bata upang ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang mga batayang karapatan (sumangguni sa Table 1 sa baba para sa 10 Karapatan ng Bata) kung kaya walang duda na ituring sila bilang isa sa pinakabulnerableng sektor sa lalawigan at sa buong bansa sa kabuuan na hindi mapasusubaliang laganap ang inhustisya, kahirapan at iba’t iba pang isyung panlipunan.

Awit ng batang bakwet

“…Nagbakwet, kami ay umalis / Doon po sa amin, sundalo’y malupit / Sundalo’y walang galang, hindi yata nag-aral / Matanda at bata, sinasaktan, pinapatay / Hindi nila pakinggan ang aming katuwiran / 1006147_494065967330783_1642669532_nKaagad dadamputin, nasasaktan / O, Bayan ko; o, Bayan ko, / Paano ang pag-aaral ko? / Napatigil, o, bayan ko / Sundalo, kami ay ginugulo / Sundalo, kami ay ginugulo…”

Wala nang pinipiling edad ang panganib. Kahit na sino, maski pa ‘yong mga nasa murang edad, ay hindi sinasanto ng pasismo ng estado at maluwag na nahaharap sa delikadong sitwasyon. Ang maligalig na kalagayan ng mga bata at ng iba pang inaaping sektor ang inaasahang lalong magpapasidhi sa ahitas yon ng mga mamamayan na komprehensibong tumugon sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at panawagan na ipaglaban ang proteksyon, karapatan at kagalingan nila. ßßÞ

Sanggunian:
• Southern Tagalog Exposure. “Bakwet: Mga biktima ng sapilitang paglikas dulot ng militarisasyon,” Axel Pinpin (2013)
http://www.facebook.com/stexposure/media_set?set=a.494064610664252.1073741861.100001821525953&type=3 (2013)
http://www.akapbatapartylist.com/filipino-childrens-situationer-2012 (2012)

Table 1

SAMPUNG KARAPATAN NG MGA BATA

1. Karapatang ipanganak, magkaroon ng pangalan at pambansang identidad
2. Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan at pamilyang kakalinga sa kanila
3. Karapatang makakain ng masustansyang pagkain upang maging malusog at aktibo ang pangangatawan
4. Karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at talento
5. Karapatang makapaglaro at maging masaya kasama ng kanilang mga kaibigan
6. Karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng tipo ng pang-aabuso
7. Karapatang mabuhay sa isang mapayapa at maka-bata na komunidad
8. Karapatang mapangalagaan at matulungan ng gobyerno
9. Karapatang maipahayag ang kanilang mga saloobin, opinyon at ideya

10. Karapatang maging bahagi ng mga aktibidad at panlipunang pagtitipon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s