Mga sibilyang nadamay sa engkwentro sa Catanauan, lumikas

artikulo ni Lans Tolda

CATANAUAN QUEZON — Dalawampu’t pitong (27) mga indibidwal mula sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon ang nasa pangangalaga ngayon ng Karapatan-Quezon.

Ito ay hinggil sa naganap na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines at New People’s Army sa nasabing baranggay nitong nakaraang Mayo 31.

Napilitang lumikas ang nasabing mga residente dahil sa pursuit operation na isinasagawa ng militar sa pangunguna ng 74th Infantry Battalion sa lugar. Inaasahan pa ang pagdami ng mga lilikas dahil sa operasyong ito.

Nananawagan ng suporta sa kinauukulan ang mga biktima ng engkwentro. Ipinanawagan ng KARAPATAN-Quezon, na dapat ay hindi kalimutan lalo na ng mga kinauukulan ang mga residente ng lugar na pagkatapos maapektuhan at madamay sa napakatinding operasyong militar ay maaaring dumagdag pa sa mga biktima ng human rights violations na naiitala, dapat managot ang mga militar na nagpaputok sa Quick Response Team ng Karapatan habang ito ay nagsasagawa ng dokumentasyon, wala raw naman ibang nais ang grupo kundi magdokumento at tumulong sa mga residente at biktima subalit mismong sila ay pinuntirya ng AFP. ββþ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s