Oplan Bayanihan, kinundena ng Kabataan Partylist-Quezon; Lider-estudyante ng PUP-Lopez, biktima ng red-tagging ng AFP

artikulo ni Cesar Arenas Jr.

LOPEZ QUEZON – Lubos na nababahala at natatakot si Mark Anda, isang konsehal ng Supreme Student Council (SSC) ng Polytechnic University of the Philippines – (PUP) Lopez nang mabalitaan niya sa kanyang schoolmate na in-announce ng 85th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng napakaraming estudyante ng PUP-Lopez ang mga paninira sa kanya, Agosto 24.

Nagsagawa ang mga militar sa loob ng PUP campus gymnasium ng isang “Symposium for Peace” na dinaluhan ng maraming mga estudyante. Hindi nakadalo si Mark dahil sa mga exams nito, kaya lubha niyang ikinagulat ang mga paninirang ginawa sa kanya ng mga militar. Sa inilabas na statement ni Anda, nasa sampung mga sundalo na sakay ng six by six military truck  ang pinayagang papasukin ng administrayon ng PUP Lopez umaga ng Agosto 23 at isang speaker sa symposium umano ang nagbanggit, na kaya raw hindi pa siya nagtatapos ng kolehiyo ay recruiter umano siya ng New People’s Army. Binanggit din ni Anda na lubha ang paglabag ng mga militar at ng administrasyon ng PUP-Lopez sa Prudente-Ramos Memorandum of Agreement, ang kasunduang nagbabawal sa presensya ng mga sundalo at pulis sa loob ng mga school.

“Pasismo ito ng rehimeng Aquino at isang malinaw na katangian ng Oplan Bayanihan;” ayon kay NJ Pavino ng Kabataan Partylist-Quezon, “Mariin naming kinukundena ang Armed Forces of the Philippines partikular ang mga nakadeploy na humigit- kumulang na walong batalyon ng sundalo sa South Quezon-Bondoc Peninsula, una dahil sa ginawa nitong paglabag sa Prudente-Ramos Memorandum of Agreement nang pumasok sila sa PUP-Lopez campus, sa ginawa nilang reg-tagging kay Anda; isa rin itong  tipo ng harassment at paninirang puri sa isang inosenteng estudyante. Sa halip na kapayapaan ang dalhin ng mga sundalong ito ay takot at pangamba ang inihahatid nila sa mga kabataan. Tuwirang paglabag ito sa ating mga karapatan,” dagdag pa ni Pavino.

Bukod sa pagiging konsehal ni Mark, aktibo rin itong miyembro ng Kabataan Partylist at kilala sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga estudyante.Lubos din ang suporta nito sa campus press freedom  na isinusulong College Editors Guild of the Phils. (CEGP) at sa pagbabalik ng The Epitome, ang opisyal ng publikasyon ng mga estudyante ng PUP-Lopez na ilang taon na ring naparalisa dahil sa restriksyon ng administrasyon sa nasabing paaralan.

Walang kasiguruhan si Anda kung matutulungan siya ng administrasyon ng PUP o maging mga kasamahan niya sa student council dahil sa takot ng mga ito at dahil ilan sa mga nasa SSC ay miyembro ng Reserve Officers Training Corps (ROTC). Kaya nananawagan siya ng suporta, proteksyon at tulong mula sa mga miyembro ng midya, mga organisasyon at indibidwal upang mailantad ang ginawa sa kanya ng AFP. Dahil hindi niya alam ang maaaring mangyari sa kanya. Aniya, pati ang kanyang mga kamag-aaral ay nababahala at natatakot na rin. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s