Pagpapaputok ng mga militar sa QRT ng Karapatan, kinundena

artikulo ni Cesar Arenas Jr.

CATANAUAN QUEZON — Mariing kinukundena ng KARAPATAN – Alliance for the Advancement of People’s Rights, Quezon chapter ang pagpapaputok ng anim (6) na beses ng mga militar ng 74th Infantry Battalion sa Quick Reaction Team (QRT) ng KARAPATAN habang nagdodokumento sa katatapos na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon, Mayo 31.

Pagkatapos ng engkwentro ng NPA at AFP na tumagal ng ilang minuto, ay agad tumungo ang QRT ng KARAPATAN-Quezon upang magdokumento at mangalap ng datos sa nasabing barangay kung may naganap mang human rights violations at kung may mga sibilyang nadamay.

Bagama’t tapos na ang engkwentro ay walang habas pa ring pinaputukan ng mga militar ang grupo na binubuo ng labimpitong (17) mga indibidwal.

Ang 17 indibidwal na orihinal na bumubuo sa team ay naging 30 dahil sa pakikiisa ng mga residente at concerned individuals sa pagdo-dokumento at pagtulong sa mga naapektuhan ng engkwentro. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s