Pagbubuo ng CLAIM-Quezon pinasinayaan; protesta hinggil sa harassment ng pulis at militar, inilunsad

artikulo at grapiks ni Cris Sayat

PROBINSYA NG QUEZON – Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS), naglunsad ng isang malawakang pagkilos ang mga magsasaka lalo na ang mga manggagawang bukid sa niyugan mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon. Ito ay upang igiit ang pagbawi sa Coco Levy Funds (CLF) na matagal na ring nabinbin kahit nanalo at pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa mga maliliit na magniniyog.

Sa kabila ng pagtangkang pagpigil ng mga pulis sa karaban sa Gen. Luna at ng 416th PPMG sa bayan ng Macalelon, naipagpatuloy ng delegasyon ang pagkilos at pagsasagawa ng programa sa Ibabang Dupay Covered Court, Lucena City, Agosto 18.

Ang orihinal na planong mas malawak na pagkilos at pagtungo ng mga magniniyog mula sa ating lalawigan sa National Capital Region dahil sa masamang panahon ay ipinihit sa pormal na pagbuo ng CLAIM o Coco Levy Funds Ibalik sa Amin Quezon chapter at upang mapalawak pa ang kasapian nito sa bawat bayan ng lalawigan para sa mas solidong pagkalamapag sa kinauukulan para sa tuluyang pagpapamahagi ng bilyong pisong Coco Levy Funds.

Hindi nagpapigil ang buong delegasyon upang itambol ang mga panawagang ito at ipaalam pa sa mamamayan ang nararanasan ng mga magniniyog sa kamay ng mga gahaman sa CLF kagaya ng malaking panginoong maylupa na si Danding Cojuangco.

Kasama sa mga ginanap ang isang programa sa Lucena Public Market at isang pagkalampag sa Southern Luzon Command dahil sa mga anti-magniniyog nitong mga aksyon at harassments sa mga lider-masa. Pagkatapos ay nagkaraban muli ang bawat delegasyon sa kani-kanilang mga bayan. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s