Trilyong Pondo ni Aquino, Trilyong Hirap ng Sambayanang Pilipino

kontribusyong artikulo ni She Garcia

Parang malakas na kidlat ang biglaang pagtampok ng isyu sa Pork Barrel System sa buong bansa. Nagsimula ito nang madawit ang apelyidong Napoles at ang anomalya sa laki umano ng nakukurakot ng mga mambabatas sa kaban ng bayan. Ngunit ano nga ba Pork Barrel? Ano nga ba PDAF o Priority Development Allocation Fund?

Pork at PDAF
Ang PDAF ay ang taunang budget na ibinibigay sa mga kongresita na P70,000,000 at mga senador na P200,000,000 ay ang pondong mula sa binabayarang buwis ng taumbayan at mula sa talamak na pangungutang ng gubyerno. Sa bahagi ng pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino, hindi bahagi ng PDAF ang 1.43 TRILYON na PORK na ibinigay sa kanya.

Halos kalahati ng pondo ng gubyerno ay inilalaan lamang sa PORK BARREL, kaya kung susumahin natin ang maaaring korapsyong umiikot sa mga kamay ng mga mambabatas at sa pangulo mismo ay maaaring mahimatay na lamang tayo sa inis, dahil sa laki ng pondong maaari na sanang makatulong sa atin.

Protestang Bayan
Isa sa mga pangunahing umalma sa umusbong na anomalya sa pork barrel ay ang mga panggitnang uri o middle class. Para ring virus sa cyberspace sa bilis ng pagkalat ng impormasyong ito sa mga ‘netizens’. Dahil dito mabilis ring naikasa ang isang protestang bayan na tinawag sa hashtag na #MillionPeople’sMarch sa Luneta Park noong Agosto 26. At sa bahagi naman ng mga progresibong grupo, bukod sa Luneta ay nagpatuloy ang mga ito sa Mendiola upang lubos pang kalampagin ang administrasyong sa pag-babasura ng Pork Barrel.

Mapanlinlang na Abolisyon at Pork Ni Aquino
Dahil sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, napilitan ang Malacañang na i-announce na abolished na ang PDAF, ngunit totoo nga bang tuluyan na nila itong ibinasura? Maaaring ipinahinto nila ang pagrerelease ng PDAF ngunit hindi rin malabong ibahin lamang nila ang pangalan nito.

Bakit ganun na lamang kadali nang sabihin ni PNoy na abolished na ang PDAF? Ito ay dahil hindi bahagi ng PDAF ang 1.43 TRILYONG pork na ibinibigay sa kanya. Ang pork ni Aquino ay nahahati sa 229 bilyong piso para sa Special Purpose Fund, 200 bilyon Lump Sum (for school buildings) na tanging siya lamang ang maaaring magrelis; hindi programadong pondo (maaaring gamitin sa kahit saang gastusin ng opisina ng presidente) na P139.9 bilyon at P600 bilyon na Intelligence Funds, presidential “social” funds, travel funds, debt servicing na maaari pang lumaki depende sa paggastos nito.

Bukod sa maaari lamang baguhin ang pangalan ng PDAF ay nanatili rin sa kamay ni Pangulong Aquino ang napakalaking pork nito.

What Happens Next?
Sa mga panggitnang uri, maraming nagtatanong: ano nga ba ang kasunod na mangyayari? Dahil sa mapanlinlang na abolisyon ng PDAF, kasama na ang pagsuko ni Janet Lim-Napoles, maaaring isipin nalalapit na ang hustisya at mawawala na ang korapsyon. Ngunit kung tutuusin, maaari itong isang palabas lamang. Dahil alam naman natin na maaaring sinabayan lamang ni PNoy ang pagsuporta sa pag-abolish sa PDAF upang pakalmahin ang galit ng taumbayan habang nananatiling tikom ang bibig nito sa napakalaking pondong nakalaan lamang para sa kanya.

Pondo ng Bayan, sino ang Nakinabang?
Batayang serbisyong panlipunan, ito ang dapat na kauna-unahan sa listahan ni PNoy na bigyang pondo. Subalit sa trilyong pisong umiikot lamang sa kamay ng mga mambabatas at sa kanyang kamay mismo, pinananatili nitong mga nanlilimahid at manlilimos ang mga Pilipino.

Isa sa mga popular na statement ang kumalat din sa internet. Ang sinabi umano ni CongW. Lani Mercado na binabanggit nitong pabor ito sa pagbasura sa pork ngunit huwag lamang daw umanong manghihingi ang mga mamamayan sa kanila. Isa itong patunay kung ilang taon na nilang ginagawang mga manlilimos ang mga Pilipino. Tuwang-tuwa silang makitang mahaba ang pila sa kanilang mga opisina upang humingi lamang ng biyaya sa kakarampot nilang ibinibigay samantalang maaari naman palang ilaan na lamang ang pondong ito sa mga batayang serbisyong panlipunan kagaya ng matino at libreng serbisyo sa kalusugan para sa mga pampublikong ospital at libre at de-kalidad na edukasyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo. Ngunit bakit ang solusyon na inilalaan ng mismong administrasyong Aquino ay ang Public Private Partnership at Budget Cut sa Edukasyon?

Pahirap na Pork
Malinaw na malinaw na pinapa-ikot lamang tayo ng gubyernong ito sa mga reaksyunaryo nitong mga polisiya. Ngunit dapat nating alalahanin na dahil sa sama-samang pagkilos nating mga mamamayan, naipakita sa isang lebel na kayang-kaya nating ituwid ang kabuktutan ng pamahalaan. Pero dapat nating mas imulat pa ang ating mga sarili dahil hindi dapat huminto lamang sa iisang usapin kagaya ng Pork Barrel ang ating pagkakaisa. Maraming pagpapaikot at panlilinlang pa ang maaari nilang gawin upang tayong mga Pilipino ay patahimikin nila para muli na naman silang magsamantala. Ipagpatuloy natin ang ating pagiging mapanuri at pakikisangkot sa mga usapin sa ating bansa dahil ang ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos lamang ang tunay na magpapalaya sa atin sa lusak na kinalulubugan ng sistema ng ating lipunan. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s