Pagbubuo ng CLAIM-Quezon pinasinayaan; protesta hinggil sa harassment ng pulis at militar, inilunsad

artikulo at grapiks ni Cris Sayat

PROBINSYA NG QUEZON – Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS), naglunsad ng isang malawakang pagkilos ang mga magsasaka lalo na ang mga manggagawang bukid sa niyugan mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon. Ito ay upang igiit ang pagbawi sa Coco Levy Funds (CLF) na matagal na ring nabinbin kahit nanalo at pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa mga maliliit na magniniyog.

Sa kabila ng pagtangkang pagpigil ng mga pulis sa karaban sa Gen. Luna at ng 416th PPMG sa bayan ng Macalelon, naipagpatuloy ng delegasyon ang pagkilos at pagsasagawa ng programa sa Ibabang Dupay Covered Court, Lucena City, Agosto 18. Continue reading Pagbubuo ng CLAIM-Quezon pinasinayaan; protesta hinggil sa harassment ng pulis at militar, inilunsad

Kapit-Bisig para sa Timog Quezon!

artikulo ni Yvonne Charisse Gamis
kontribusyong grapiks at mga larawan ni She Garcia

Sapagkat ang tao ay nilalang para rin sa tao, kaya naman walang dahilan para pigilan ang mithiin nitong magkaisa lalo na sa panahon ng kagipitan.

Malaki ang nagagawa ng nagkakaisang pagkilos para sa mga taong lubos na nangangailangan at nanghihina. Bilang patunay, isinagawa ang isang International Solidarity Mission sa Catanauan, Quezon noong ika-14 hanggang ika-17 ng Hulyo. Continue reading Kapit-Bisig para sa Timog Quezon!