Huwad na Daan

dibuho ni She Garcia

Nitong mga nakaraang panahon, mabentang tulad ng murang karne sa palengke ang isyu ng pork barrel simula nang mabunyag ang P10 billion pork barrel scam na kinasangkutan ng JLN group na pag-aari ni Janet Lim-Napoles.

Subalit tulad ng botcha, pinalamon ni Aquino ng kasinungalingan at panlilinlang ang publiko sa pamamagitan ng publisidad na wala na at “inabolish” na umano ang makontrobersyal na pork barrel o PDAF (Priority Development Assistance Fund).

Kung matatandaan, sa unang bahagi ng panawagang ibasura ang pork barrel ay atubili na si Aquino na tanggalin ito at nagpahayag na lang ng pagsuporta sa “reporma” na lamang.

Subalit dahil “na-pressure” sa malakas na panawagan ng mamamayan, sa kalagitnaan ng paghahanda ng mamamayan para sa panibagong sigwa ng Million People March, si Aquino ay nagdeklara ng pag-abolish ng PDAF.

Para sa ating kaaalaman, ang bawat kongresista ay may P70 million na pork barrel para sa kanilang pet project at P200 million naman sa bawat senador. Pero ang pinakamatindi rito at pilit na ikinukubli sa lahat ay ang pinakamalaking alokasyon ay napupunta sa Pangulo— ang presidential pork.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang “pork” ni Aquino ay inilaan sa mga sumusunod: pagsusuhol sa mga kaalyadong nagsampa ng malalaking boto para sa kanya, malaking pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na lumobo sa P23 bilyon sa kabila ng mga panukalang ibasura dahil batbat ng korupsyon at pansuhol sa mga kongresistang bumoto para ma-impeach si Corona. Sa sumatotal, makasariling interes.

Samakatwid, moro-moro lang ang deklarasyong tuluyang tinanggal ng pangulo ang PDAF. Malinaw na walang pinag-iba si Aquino sa mga nauna sa kanya, bagkus ay mas matindi pa siya sa kabulukan at pagpapakatuta sa dayuhan.

Kabalintunaan ang mga pangakong binitawan ng rehimeng Noynoy Aquino na umano’y tuwid na daan para sa bawat Juan at Juana dela Cruzes ng ating bansa.

Sa halip, huwad na daan na puno ng kasinungalingan at panlilinlang ang nilikha at patuloy na nililikha ng kanyang administrasyon sampu ng kanyang mga alipores.

Higit kailanman, ngayon mas nangangailangan ng mulat na mga mata at mapagpasyang kaisipan ng mga mamamayang naghahangad ng tunay na pagbabago ng sambayanan. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s