Linggo ng mga pesante, ginanap

artikulo ni Marlon Ala
kontribusyong larawan ni Aaron Bonette

Isinagawa ang ilang serye ng mga aktibidad sa lalawigan bilang pagtutol sa mapanirang pagmimina at pagtatayo ng dam at ang pagkilos upang mabawi ang COCO LEVY FUNDS sa pangunguna ng PIGLAS at CLAIM Quezon

LUCENA CITY – Matagumpay na idinaos noong nakaraang Oktubre 20-21, 2013 ang Linggo ng mga Pesante sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS) at Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM)-Quezon.

backhoe pnoyKaalinsabay na isinagawa ng mga magsasaka, magniniyog at manggagawang-bukid sa iba’t ibang parte ng lalawigan ang mga serye ng aktibidad kaugnay ng Pagdiriwang ng Linggo ng mga Pesante kasama ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

Binuo ang isang porum sa unang araw ng pagdiriwang kung saan tinalakay ang paggigiit na maibalik sa mga magniniyog ang Coco Levy Funds na para sa kabutihan ng mga magsasaka sa lalawigan. Binigyang-diin din ang mainit na isyu tungkol sa mapanirang pagmimina sa Mt. Cadig, Tagkawayan, Quezon. Nilinaw rin ang mga panibagong dagdag na bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao o ang extra-judicial killings na laganap sa buong bansa.

Ganap na ala sais ng gabi, itinampok ang cultural night na dinaluhan at nilahukan ng sektor ng kabataan mula sa iba`t ibang kolehiyo at pamantasan sa lalawigan.

Sa ikalawang araw, Oktubre 21, isinagawa naman ang pagsunog ng tila backhoe na effigy ni PNoy, pagsasalarawan ito ng pagtutol sa mapanirang pagmimina sa kabundukan at kagubatan ng Mt. Cadig, Tagkawayan, Quezon.

Sinundan ito ng mobilisasyon sa iba’t ibang parte ng lungsod patungo sa Southern Luzon Command (SOLCOM) at ipinahayag ang damdamin ng mga aping mamamayan. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s