Ika-33 Taon ng Guinayangan Massacre, ginunita; panggigipit ni Mayor Isaac ng Guinayangan, mga pulis at militar, kinundena

kontribusyong artikulo ng KARAPATAN-Quezon News Bureau
larawan ni Cris Sayat

GUINAYANGAN QUEZON – Sa pangunguna ng KARAPATAN-Quezon at sa pakikipagtulungan ng PIGLAS at CLAIM (Coco Levy Funds Ibalik sa Amin), Quezon chapter, magdaraos sana ng isang komemorasyon ng ika-33 taon ng Guinayangan Massacre, ngunit dahil umano sa pagpigil ng kampo ng mga Tañada, sa mismong kaorasan ng aktibidad, Pebrero 1, alas-8 ng umaga, hindi hinayaang magdaos ng komemorasyon ang humigit kumulang na isandaang mga delegado ng aktibidad, ni Mayor Boyboy Isaac ng Guinayangan Quezon sa plaza at covered court sa nasabing bayan.

Kabilang sa aktibidad ang porum at pagtalakay sa usapin sa pagbawi sa Coco Levy Funds at pag-abolish sa maanomalyang Pork Barrel System. Sa kabilang banda, ito rin sana ang magbibigay-daan sa pagbubuo ng isang People’s Initiative kontra-pork.

Ayon sa statement ni Christopher Regencia, spokesperson ng KARAPATAN-Quezon, hindi umano sila makapaniwalang sa mismong araw ng aktibidad ay hindi papayagan ni Mayor Boyboy Isaac na ganapin ang komemorasyon sa Guinayangan Town Plaza dahil lamang sa inutos ito ng mga Tañada, gayong sa mga unang usap ay positibo ang tugon nito. Ayon pa kay Regencia, isa itong malinaw na manipestasyon na hindi nagsisilbi si Mayor sa mga kababayan kundi sa iilang mga politiko.

“Maaaring dahil sa pagkakasangkot ng pangalan ni Congressman Erin Tañada sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) kaya nila pinigilang ganapin ang aktibidad. Nakapagtataka rin na noong nakaraang 2010 ay pabor na pabor ang kampo ng mga Tañada at si Mayor Isaac at masigla itong nakilahok sa Guinayangan Massacre Commemoration, noong wala pa si Mayor sa pwesto, ngunit ngayong nasa pwesto na ay gayon na lamang niya pagbawalan ang aktibidad. Malinaw na malinaw na hindi ito sinsero sa kanyang paglilingkod. Ang hamon ng sambayanan sa kanya: Ang dapat paglingkuran nito ay ang mamamayan at hindi ang iilan. Kinukondena rin namin ang ginawang pananakot ng kanilang kampo sa pamamagitan ng paggamit nito sa mga pulis at militar upang hindi na tumuloy ang mga delegado sa pagdalo.” dagdag ni Regencia sa kanyang statement.

Bagama’t hindi pinayagang ganapin ang aktibidad sa pampublikong espasyo, kagaya ng Guinayangan Town Plaza (kahit galing sa buwis ng mamamayan ang ginamit upang maitayo ang mga ito, kaya mamamayan naman talaga ang nagmamay-ari), ay naidaos pa rin ng matiwasay ang aktibidad sa isang baranggay sa Guinayangan. Sinabayan ito ng isang mobile prop action sa kabayanan upang sagutin at ipakitang hindi natitinag ang mamamayan kahit ginigipit ito ng kinauukulan.

Nilahukan ng iba’t ibang sektor ang paggunita sa Guinayangan Massacre*, kabilang ang mga kabataan, kababaihan, pesante, mangingisda, manggagawang bukid sa niyugan at iba pa, naisagawa din ang porum ng CLAIM at usapin ukol sa pag-abolish sa pork barrel. Naitayo din ang isang people’s initiative laban sa pork barrel; ang Quezon Kontra-Pork, a movement for the abolition of PORK BARREL SYSTEM and all kinds of PORK. ßßÞ

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s