Category Archives: Catanauan

Kapit-Bisig para sa Timog Quezon!

artikulo ni Yvonne Charisse Gamis
kontribusyong grapiks at mga larawan ni She Garcia

Sapagkat ang tao ay nilalang para rin sa tao, kaya naman walang dahilan para pigilan ang mithiin nitong magkaisa lalo na sa panahon ng kagipitan.

Malaki ang nagagawa ng nagkakaisang pagkilos para sa mga taong lubos na nangangailangan at nanghihina. Bilang patunay, isinagawa ang isang International Solidarity Mission sa Catanauan, Quezon noong ika-14 hanggang ika-17 ng Hulyo. Continue reading Kapit-Bisig para sa Timog Quezon!

Advertisements

Pagpapaputok ng mga militar sa QRT ng Karapatan, kinundena

artikulo ni Cesar Arenas Jr.

CATANAUAN QUEZON — Mariing kinukundena ng KARAPATAN – Alliance for the Advancement of People’s Rights, Quezon chapter ang pagpapaputok ng anim (6) na beses ng mga militar ng 74th Infantry Battalion sa Quick Reaction Team (QRT) ng KARAPATAN habang nagdodokumento sa katatapos na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon, Mayo 31.

Pagkatapos ng engkwentro ng NPA at AFP na tumagal ng ilang minuto, ay agad tumungo ang QRT ng KARAPATAN-Quezon upang magdokumento at mangalap ng datos sa nasabing barangay kung may naganap mang human rights violations at kung may mga sibilyang nadamay. Continue reading Pagpapaputok ng mga militar sa QRT ng Karapatan, kinundena