Category Archives: Lopez

Himas-Rehas, Bihag ng Dahas: Sanaysay at mga Salaysay tungkol sa mga Poldet na Hinuli sa Quezon (Unang Bahagi)

ni Michael Alegre
kontribusyong dibuho nina Aaron Bonette at Jayven Villamater

Quezon Poldet

Ang espesyal na seksyong ito ay laan ng Balitang BondocPen (BBP) sa mga “poldet” o political detainees ng Quezon. Ang poldet, ayon sa grupong Karapatan, ay tumutukoy sa mga taong inaresto at ibinilanggo sa gawa-gawang mga kasong kriminal dahil sa pagsusulong ng mga pampulitika nilang paniniwala. Sa kasalukuyan, ayon sa tala, mahigit nang 300 ang bilang ng mga poldet kung saan humigit-kumulang sa 16 ay hinuli sa Quezon. Karamihan sa kanila ay sadyang sinampahan ng mga karaniwang kasong gaya ng illegal possession of firearms and explosives, murder, kidnapping, arson, at iba pa.

Layunin ng paglalathalang ito ng BBP na igiit sa Malacañang, partikular kay Noynoy Aquino na anak pa naman ni Ninoy Aquino (dati ring isang detenidong pulitikal), na palayain na ang lahat ng poldet sa buong bansa. Ito ay sa kabila ng ipinangangalandakan nilang “Walang bilanggong pulitikal sa Pilipinas.” Inaasahan tuloy na ipagpapatuloy natin ang panawagan para sa hustisya, kalayaan at pagrespeto sa karapatang pantao ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa.

Para sa unang bahagi ng artikulong ito, itinatampok ang tatlong poldet na sina Miguela Peniero, Fidel Holanda at ang menor de edad na si Grego Guevarra.

——————————————————————–

“Palayain at lingapin ang detinidong pulitikal / Awit at panalangin sa mga naninindigan / Kadluan ng karapatan / Hindi sila kriminal / Ang buhay nila’y salamin ng mga ordinaryong mamamayan.”
—Awit ng mga Detenidong Pulitikal, The Camerawalls

May kakaibang lamig na dala ang hangin ngayong bumulaga na sa kalendaryo ang 2014. Nakakapanibago. Nanunuot sa laman. Tagos hanggang buto. Parang nagpapahiwatig. May importanteng sasabihin. Kaya mo kayang makinig? Unawain ang karanasan nilang maligalig? Ilang buwan pa lang nang mag-Pasko. Kamusta na kaya ang mga “himas-rehas” sa nakabuburyong at metro-kuwadrado nilang mundo? Continue reading Himas-Rehas, Bihag ng Dahas: Sanaysay at mga Salaysay tungkol sa mga Poldet na Hinuli sa Quezon (Unang Bahagi)

Oplan Bayanihan, kinundena ng Kabataan Partylist-Quezon; Lider-estudyante ng PUP-Lopez, biktima ng red-tagging ng AFP

artikulo ni Cesar Arenas Jr.

LOPEZ QUEZON – Lubos na nababahala at natatakot si Mark Anda, isang konsehal ng Supreme Student Council (SSC) ng Polytechnic University of the Philippines – (PUP) Lopez nang mabalitaan niya sa kanyang schoolmate na in-announce ng 85th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng napakaraming estudyante ng PUP-Lopez ang mga paninira sa kanya, Agosto 24.

Nagsagawa ang mga militar sa loob ng PUP campus gymnasium ng isang “Symposium for Peace” na dinaluhan ng maraming mga estudyante. Hindi nakadalo si Mark dahil sa mga exams nito, kaya lubha niyang ikinagulat ang mga paninirang ginawa sa kanya ng mga militar. Sa inilabas na statement ni Anda, nasa sampung mga sundalo na sakay ng six by six military truck  ang pinayagang papasukin ng administrayon ng PUP Lopez umaga ng Agosto 23 at isang speaker sa symposium umano ang nagbanggit, na kaya raw hindi pa siya nagtatapos ng kolehiyo ay recruiter umano siya ng New People’s Army. Binanggit din ni Anda na lubha ang paglabag ng mga militar at ng administrasyon ng PUP-Lopez sa Prudente-Ramos Memorandum of Agreement, ang kasunduang nagbabawal sa presensya ng mga sundalo at pulis sa loob ng mga school. Continue reading Oplan Bayanihan, kinundena ng Kabataan Partylist-Quezon; Lider-estudyante ng PUP-Lopez, biktima ng red-tagging ng AFP