Category Archives: Balita

Pagpapaputok ng mga militar sa QRT ng Karapatan, kinundena

artikulo ni Cesar Arenas Jr.

CATANAUAN QUEZON — Mariing kinukundena ng KARAPATAN – Alliance for the Advancement of People’s Rights, Quezon chapter ang pagpapaputok ng anim (6) na beses ng mga militar ng 74th Infantry Battalion sa Quick Reaction Team (QRT) ng KARAPATAN habang nagdodokumento sa katatapos na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon, Mayo 31.

Pagkatapos ng engkwentro ng NPA at AFP na tumagal ng ilang minuto, ay agad tumungo ang QRT ng KARAPATAN-Quezon upang magdokumento at mangalap ng datos sa nasabing barangay kung may naganap mang human rights violations at kung may mga sibilyang nadamay. Continue reading Pagpapaputok ng mga militar sa QRT ng Karapatan, kinundena

Advertisements

Mga sibilyang nadamay sa engkwentro sa Catanauan, lumikas

artikulo ni Lans Tolda

CATANAUAN QUEZON — Dalawampu’t pitong (27) mga indibidwal mula sa Brgy. Ilayang Doongan, Catanauan Quezon ang nasa pangangalaga ngayon ng Karapatan-Quezon.

Ito ay hinggil sa naganap na engkwentro ng Armed Forces of the Philippines at New People’s Army sa nasabing baranggay nitong nakaraang Mayo 31. Continue reading Mga sibilyang nadamay sa engkwentro sa Catanauan, lumikas