Category Archives: Editoryal

Huwad na Daan

dibuho ni She Garcia

Nitong mga nakaraang panahon, mabentang tulad ng murang karne sa palengke ang isyu ng pork barrel simula nang mabunyag ang P10 billion pork barrel scam na kinasangkutan ng JLN group na pag-aari ni Janet Lim-Napoles.

Subalit tulad ng botcha, pinalamon ni Aquino ng kasinungalingan at panlilinlang ang publiko sa pamamagitan ng publisidad na wala na at “inabolish” na umano ang makontrobersyal na pork barrel o PDAF (Priority Development Assistance Fund). Continue reading Huwad na Daan

Advertisements

Walang Puwang ang Pananahimik

Kasalanan daw ng mga mahihirap kung bakit sila ay mahirap dahilan sa marami silang anak. Kasalanan daw nila, sapagkat matitigas ang kanilang ulo, laging sumusuway sa utos ng pamahalaan.

Sa tuwinang may may kalamidad sa ating bansa, nagkakaroon ng piyesta ng pagsisi at lalo na, ang paninisi sa mga pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz. Ang mga maralitang nakatira sa magubat na lungsod, sinisisi kung bakit naninirahan sa tabi ng estero at mapanganib na lugar. Ang mga maralita naman sa kanayunan, sinisisi kung bakit ayaw umalis sa kani-kanilang bahay kapag mataas na ang baha at pinipilit ilikas ng mga rescuer. Continue reading Walang Puwang ang Pananahimik