Tag Archives: Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM)-Quezon

Hamon ng mga Quezonian: Gob. Suarez, Tumindig Ka Para sa Mamamayan!

artikulo ng BBP Reportorial Team
dibuho ni Lans Tolda

Kilalang-kilala ang Quezon bilang isang agrikultural na lalawigan at malaking suplayer din ng mga produktong agrikultural ‘di lamang sa buong rehiyon kundi sa buong bansa, kaya nararapat lamang maramdaman ng mga Quezonian, hanggang sa mga maliliit na magsasaka at magniniyog lalo na sa parte ng South Quezon, Bondoc Peninsula (SQBP) na umuusad at umuunlad ang kanilang kabuhayan. Continue reading Hamon ng mga Quezonian: Gob. Suarez, Tumindig Ka Para sa Mamamayan!

Advertisements

Pagbubuo ng CLAIM-Quezon pinasinayaan; protesta hinggil sa harassment ng pulis at militar, inilunsad

artikulo at grapiks ni Cris Sayat

PROBINSYA NG QUEZON – Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS), naglunsad ng isang malawakang pagkilos ang mga magsasaka lalo na ang mga manggagawang bukid sa niyugan mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon. Ito ay upang igiit ang pagbawi sa Coco Levy Funds (CLF) na matagal na ring nabinbin kahit nanalo at pumabor ang desisyon ng Korte Suprema sa mga maliliit na magniniyog.

Sa kabila ng pagtangkang pagpigil ng mga pulis sa karaban sa Gen. Luna at ng 416th PPMG sa bayan ng Macalelon, naipagpatuloy ng delegasyon ang pagkilos at pagsasagawa ng programa sa Ibabang Dupay Covered Court, Lucena City, Agosto 18. Continue reading Pagbubuo ng CLAIM-Quezon pinasinayaan; protesta hinggil sa harassment ng pulis at militar, inilunsad