Tag Archives: Mendiola

Trilyong Pondo ni Aquino, Trilyong Hirap ng Sambayanang Pilipino

kontribusyong artikulo ni She Garcia

Parang malakas na kidlat ang biglaang pagtampok ng isyu sa Pork Barrel System sa buong bansa. Nagsimula ito nang madawit ang apelyidong Napoles at ang anomalya sa laki umano ng nakukurakot ng mga mambabatas sa kaban ng bayan. Ngunit ano nga ba Pork Barrel? Ano nga ba PDAF o Priority Development Allocation Fund?

Pork at PDAF
Ang PDAF ay ang taunang budget na ibinibigay sa mga kongresita na P70,000,000 at mga senador na P200,000,000 ay ang pondong mula sa binabayarang buwis ng taumbayan at mula sa talamak na pangungutang ng gubyerno. Sa bahagi ng pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino, hindi bahagi ng PDAF ang 1.43 TRILYON na PORK na ibinigay sa kanya. Continue reading Trilyong Pondo ni Aquino, Trilyong Hirap ng Sambayanang Pilipino